Jose Rizal: Isang Sanaysay sa Napanood

Simula ng ako ay mag-aral, madalas ko ng naririnig ang pangalang Dr. Jose Rizal – nakikita ko sa ilang libro, ilang magazine, at lalong lalo na sa piso. Mula pa noon, pinag-aaralan na siya, ang kanyang buhay, ang mga nasulat, at pati na kanyang mga kontribusyon sa Pilipinas. Ayon sa mga pag-aaral, siya ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. May ilang akda at pelikula kung saan ipinapakita ang ilang parte ng kanyang buhay. Isa na dito ang pelikulang “Jose Rizal” kung saan si Cesar Montano ang gumanap bilang ang pambansang bayani.

Ang storya ay naka-sentro sa mga kaganapan ng mga panahon kung saan ang kanyang mga nobela ay naging mainit na issue. Nagsimula man ito sa mabilis na flashbacks tungkol sa mga kaganapan naka-impluwensya sa kanya noong bata pa siya. Ilan na dito ay sila: Paciano Rizal, ang kanyang nakakatandang kapatid; Luis Traviel de Andrade, isang kaibigan at personal na abodago ni Jose; Teodora Alonzo y Quintos, ang kanyang ina; Fr. Jose Beck, ang kanyang unang guro sa Ateneo; at si Josephine Bracken, ang kanyang naging asawa noong ipinatapon siya sa Dapitan.

Si Paciano ang unang naka-impluwensya kay Jose. Ang mga paring GOMBURZA ay hinatulan ng kamatayan. Dahil sa pagkakaroon ng connection si Paciano sa mga pari, nalagay sa panganib ang buong pamilya ni Jose. Dito na rin binigyan ng mga babala ni Paciano si Jose tungkol sa mga kasamaang ginagawa ng mga prayle. Sumunod pa dito ang pagkakadakip ng ina nilang si Teodora na nagsilbing susi sa pag-aalsa ng maliit na si Jose. Pinadala si Jose sa ibang bansa upang isiwalat sa buong mundo ang mga ginagawa ng mga prayle sa Pilipinas. Dito rin sa mga panahong ito nabuo ang La Solidaridad, na naging sentro ng operasyon ng mga bayaning kilala natin ngayon. Ipinatapon si Jose sa Dapitan makalipas ng ilang taon. Dito nagsilbi siyang manggagamot. Sa mga panahong na sa Dapitan siya, pinilit na ipakasal si Leonor ng kanyang mga magulang sa ibang lalaki subalit hindi niya ito nagustuhan at nagdulot ng pagkakamatay. Ito ang sinasabing turning point ng mga pananaw ni Jose sa kanyang mga isinisulat. Hinatulan ng kamatayan si Rizal. Sa Bagumbaryo (Luneta Park) nakuha niya ang kanyang mga huling sandal.

Sa mga kaganapan na nabanggit, masasabi kong isang dakilang tao si Rizal. Ngunit, sa aking palagay, hindi makatwirang si Rizal ang pambansang bayani dahil sa ilang mga kadahilanan: (1) ang layunin ni Rizal sa Pilipinas ay hindi kalayaan, kundi kasarinlan at makilalang probinsya ng Espanya ang Pilipinas, (2) ayon sa ilang libro, upang tanghaling bayani, dapat siya ay sumabak sa isang gera kung saan niya ibubuwis ang kanyang buhay, at (3) hindi purong Pilipino si Rizal. Masasabi ko pang si Andres Bonifacio ang dapat ng pambansang bayani. Ngunit, hindi ibigsabihin nito ay dapat ng itigil ang pag-aaral sa kanya. Marami siyang naiambag sa bansa at sinisimbulo niya ang mga tao noong mga panahon na maaaring maging pag-aaral kung papaano kumikilos ang mga Pilipino noong mga panahon na iyon.

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on June 25, 2012, in Philippines, Society, Student and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: