Makina Mayhem

An entry for Filipino Essay as a Recitation

Ang makina ay isang mekanikal o de-kuryenteng bagay na naglilipat o nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa gawain ng tao. Nagmula ang salitang “machine” sa salitang Latin na “machine” na ang ibigsabihin ay “paraan, napapanahon, at lunas”.

Makakabalik sa mga unang taon sa Ehipto matatagpuan o nalikha ang mga makina. Mekanikal palamang ang mga ito sa panahon na iyon. Ginamit ang mga itong upang makapagbuhat o makapagtulak ng mga malalaking bato. Ang mga simpleng platform na may silindrong kahoy sa ibaba ay matatawag ng makina dahil ginagamit ito sa pagdala ng mga bato mula sa isang lugar patungo sa papupuntahan.

May iba’t ibang uri ng makina, ang ilan sa mga ito ay sumusunod: simpleng makina, mekanikal, clock, compressors and pumps, heat engines, heat pumps, linkages, turbines, aerofoil, at electronics. At ang bawat isa dito ay may kanya-kanyang importansya at gamit sa kasalukuyan. Ang mga simpleng makina at mekanikal ay sa pabrika. Ang mga compressors, pumps, engines, at turbines naman sa mga sasakyan.

Ang mga makina ay maasahan sa malawakang gamit sa industriya, komersya, pamahay, at transportasyon. Ang mga haydrolika ay lalong naging kapaki-pakinabang sa pagmamapaktura at konstruksyon. Masasabing sa bawat direksyon na ating titingnan, ay matatagpuan ang teknolohiya.

Maraming magandang naidudulot ang mga makina. Isa na dito ang mga teknolohiyang nagpapadali ng gawain tulad ng mga: washing machine, sasakyan, telebisyon, kompyuter, cellphone, bentilador, at iba pa. Isa sa rin na magandang bunga ng makina ay ang pagka-ibento ng mga life-supporters tulad ng mga artipisyal na parte ng katawan at mga extensions.

Meron din naman mga hindi kanais-nais na epekto ang patuloy na pag-unlad nito. Nabibilang dito ang pagkasira ng kultura at tradisyon ng isang mamamayan dahil unti-unti ng napapalitan ng teknolohiya. Nagiging sanhi din ito ng pag-usabong ng diskriminasyon. Nagkakaroon ang mga tao na tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahan na bumili at ang mga edukado lamang ang pwedeng gumamit ng mga makabagong ito.

Sa mundo natin ngayon, masasabing “innovation” lamang ang daan para sa pag-unlad at paglaban sa kinakaharap nating krisis, kabilang na dito ang pagkain, langis, tubig, global warming, at iba pa.

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on November 30, 2010, in Game, Inspirations, Journey, Science, Student and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: