Ang Aking Unang Laruan

Mahilig akong mag-isip. Maging ang bawat galaw ko ay aking pinag-iisipan. Walang araw na hinid ako makikitang naka-upo at nakatunganga. Nag-iisip ng mga bagay-bagay na maaring pumasok sa aking isipan. Nakasanayan ko na nga ito noong bata pa lamang ako. Nag-ugat ito sa kauna-unahang laruan ko ng ako’y magkaisip.

Noong ako ay nasa mga anim na taong gulang, napapanood ko ang aking lola at kanyang mga kamag-anak na naglalaro ng mga barahang may kulay pula at itim. Matagal-tagal ko rin silang pinapanood. Nakikita ko ang bawat barahang ibinibaba ng aking lolay ay kanyang masusing pina-iisipan. Mga ilang buwan ang lumipas ng mapanonood ko iyon, binigyan ako ng lola ko ang sang deck noond karaawan ko. Tinitigan ko ang mga numero at simbolo na naka-ukit sa bawat isa.

Makalipas ng ilang taon, nahilig naman ako sa mga barahang tulad ng Yu-Gi-Oh! at ng Duel Masters. Nagustuhan ko ang mga ito dahil walang segundo dito na hindi ka mag-iisip.

Sa larong Yu-Gi-Oh!, naglalaman ito ng anim na uri ng mga baraha: synchro, normal, effect, fusion, spell at trap. Bawat baraha ay may kakayahan na maaring makapag-bago sa bawat tira. Paunahan kayo ng kalaban mo na ubusin ang 8000 na life points depende sa agwat ng mga ATK points ng bawat monster cards. Kung sinuman ang unang makaubos ay siyang panalo. Sa Duel Masters, paunahan naman kayo ng kalaban niyo na ubusin ang limang sheilds ng bawat isa gamit ng mga monsters at spells na inyong magagamit sa tulong ng mga barahang mana.

Kahit ba ang baraha ay ang pangunahing sangkap sa mga casino, hindi ko iniisip na ang paglalaro ng mga ito ay isang sugal. Maaaring sirain kasi nito ang paningin ko sa paglalaro sa paglalaro na ito ay masaya, kawili-wili, at masarap.

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on September 19, 2009, in Journey, Society, Student and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: