Bahala Na

Marami ng mga problema at krisis na kinakaharap ngayon ng mga pamilya sa Pilipinas. Marami na ang nagrereklamo na “napakainit, nakagugutom, nakatatamad!” Pero may nagawa ba o may ginawa nga ba sila para maibsan ang pagkairitang ito? Wala! Isinisi na naman sa gobyerno. “Bahala na” wika ng ilan. Maging ang isang uri ng katamarang ito ay pinasa sa mga henerasyon. Kailan ba tayo magigising? Kailan ba mamumulat ang diwang Pilipino na noon ay meron tayo at unti-unting nawawala sa paglipas ng panahon?

“Bahala na”, ang nakagawian ng mga Pilipino. Ipinagpapabukas ang mga gawain; gagawin ang mga bagay ng hindi pinag-iisipan. Bilib ako sa mga taong ganito! Napakataas ng tiwala sa sarili. Sila ay matatawag na “Pantas”. Pero kamusta naman kung pumalpak ang inaakalang tatama? Nasa huli ang pagsisisi.

Epekto nito, masmabigat na responsibilidad, di ba? Una, hindi nga tumama o pumalpak ang iyong inaasahan at ikalawa, kailangan mong humanap ng paraan para maitama ang iyong pagkakamali.

Ilagay natin ito sa isang sitwasyon. May pinapagawa sa inyo ang inyong guro bilang proyekto at ang pasahan ay sa susunod pang buwan. Dahil sa inyong katamaran, pinagpawalang bahala mo na lang tutal sa susunod pa namang buwan. Sa susunod na mga araw ay ang iba mo pang mga guro ay nagbigay din ng proyekto at sa iisang araw din ang pasahan. E di, nagkataranta ka?

Sabihin nating isa lamang ikaw sa pamilya mong ganyan. E paano kung lahat ng pamilya sa Pilipinas ay may tamad. E di, marami rin? Paano na ang ekonomiya ng bansa? Paano na ang kinabukasan natin?

Mga mahal kong kamag-aral, kung sisimulan natin ang pagbabago, sa atin pa lamang, napakaganda ng magiging imahe natin kahit man sa loob ng apat na sulok n gating silid-aralan.

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on March 6, 2009, in Journey, Society and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: