Mabuti Pa Kayo…

“Mabuti pa kayo, nakikita at nalilibot niyo ang kapaligiran”

Kahapunan sa Tondo, Maynila maraming mga tao ang abala sa darating na Pasko. Maraming mga bumibili ng mga bagong damit at pang Noche Buena. Ngunit sa kasiyahan at kabusihan ng mga tao, sa gilid ng istasyon ng tren ay mayroong isang matandang bulag, na makikita mo sa kanyang mga gula-gulanit na damit at punit-punit na higaang karton ang bakas ng kanyang kahirapan at mga pinagdaanan.

Siya ay iniwanan na ng kanyang pamilya at mga kamag-anak dahil sa panananaw na wala na daw na maitutulong ang mga bulag. Iniwanan na lang siya sa kalye habang sila ay namamasyal. Hindi malaman ng bulag ang gagawin dahil alam niya na maaari niyang ikamatay kung siya ay maglalakad sapagkat alam niya rin na maraming nagdadaanang mga sasakyan.

Namumuhay na lang siya ng mag-isa. Pilit man niyang kalimutan kung papaano siya itinaboy at pinabayaan ng kanyang mga mahal sa buhay ngunit hindi niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak. “Sana ay pinatay na lang ako” paulit-ulit niyang binabanggit sa kanyang sarili, “Bakit ba ako nagkaganito?”. Hindi man niya kayang sabihin sa iba, pinilit niya na lang ang sarili na tanggapin ang katotohanan. Umaasa na lamang sa kanyang munting karatula na may isinulat siya na “Tulungan niyo po ako, ako ay isang bulag”.

Makalipas na ang ilang araw ay dinadaandaan na lang siya ng mga tao, para bang wala silang nakikita. Hanggang may isang batang pilay, na wala na rin pamilya, ang lumapit. “Mawalanggalang na po, Lolo, maari po ba na ako’y tumabi sa inyo?” wika na bata habang dahan-dahang umuupo sa tabi ng matanda. “Aba’y oo, iho.” Sagot ng matanda pagkatapos ay inakbayan ang bata sa balikat nito. “Wala na po akong pamilya, pahirap lang daw po ako sa buhay nila dahil pilay po ako.” “Ganoon din ako, iho, itinaboy na rin ako ng aking pamilya” lumuluhang sinagot ng matanda. “Hayaan niyo po magtutulungan po tayo! Di ba, itay?” malakas na binanggit ng bata ng hinawakan niya nag kamay ng matanda. Maluha-luhang emosyon ang nakita sa matanda at kanyang niyakap ang bata at nagwika “Oo, mabubuhay tayo, anak.”

Agad kinuha ng bata ang karatula at binago ang nakasulat doon. Hindi man nalaman ng matanda ang isinulat pero malaki ang kanyang tiwala sa batang iyon. Lumipas ang ilang minuto may isang negosyante ang lumapit sa kanila at nagbigay ng isang libo. “Tay! May pera na po tayo!” Magiliw na binanggit ng bata sa matanda at kanyang niyapak ito. Hindi man nakikita ng matanda kung totoo man ito o hindi ngunit ramdam niya sa kanyang puso ang tuwa at galak ng bata.

Malipas ang ilang araw ay nakakaipon na sila ng pera na sapat na sa kanila para sa buong buwan. Habang sabik na nagbibilang ang bata ng kanilang pera, biglang may grupo ng mga kalalakihan ang pumalibot sa dalawa. Agad na inagaw ng isa sa mga kalalakihan ang perang hawak ng bata. Pilit man agawin muli ng bata ang mga pera pero wala siyang magawa dahil sa kanyang kapansanan. Iniwan sila ng mga lalaki na walang natira. Umiyak ng umiyak ang bata. Nagwika ang matanda habang niyayakap ang bata.“Tahan na, tahan na, huwag kang mag-alala dahil maaari pa rin tayo magsimula ng panibagong buhay. Maghintay ka lamang at magtiyaga, parati naman akong nasa tabi mo, bilang ikalawang ama mo.” “Merry Christmas po, Itay!”

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on December 9, 2008, in Friend, Inspirations, Love, Money, Parent, Society and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: