Mahal Kita, Mahal Mo Siya

Nakita Kita,

Tumibok aking puso

Buong umaga

Nakatitig sayo,

 

Nakipagkaibigan sa’yo

At nakipag sapalaran

Palaging nasa tabi mo

At handang lumaban

 

Sa haba ng panahon

Ako’y umibig

Nananalangin na ang mundo’y

Huwag tumirik

 

S.A. minahal kita

Nananalangin na mahalin mo ko

Iniibig kita, sinta

Parang pagmamay-ari ko

 

Pinilit kong ilihim ito

Na huwag ipaalam sa iyo

Baka ika’y magalit

At ako’y mabigo

 

Isang araw sinabi mo

“Bhez, I love you”

Ako’y napangiti at sinabing

“Sawakas, minahal mo ako”

 

Subalit ako’y may nalaman sa’yo

Ako ay may karibal sa puso mo

Nang ito ay aking napagtanto

Ako ay biglang nagdugo

 

Mahal kita, mahali mo siya

Pauli-ulit sa utak ko

Makikiusap sa iyo, sinta

Na ako’y pagbigyan mo

 

Muli, ito ay aking nilihim

Nagpaka-tanga sa kaing damdamin

Tiniis lahat ng sakit

na huwag mong alamin

 

Pinalaya kita ng hindi mo alam

Umalis ng tahimik

At sinabing

“Ikaw ay sayang”

 

Pinilit kong kalimutan ka

At nagmahal ng iba

Sa paraang ito

Aking damdamin mapalaya

 

Noong Martes,

May isang dalaga

Mahaba ang buhok

At sobrang ganda

 

Kilala ko na siya noon

Ngunit hindi ko napapansin

Ito ay ang panahon

Nang ika’y aking mahalin

 

Siya ay napakatahimik

At sobrang hinhin

Kaakit-akit,

At handang kilalanin

 

Parang siya ay ikaw

Siya ay may gustong tao

na nagbibigay sa kanya

ng tuwa at ligaya

 

At kalaunan, aking nalaman

Sila ay legal na, na magkasintahan

Sinabi ko sa aking isipan

“Talagang bigo ka, Rex Tan”

 

Madalas ko siyang paiyakin

Madalas ko siyang awayin

Kahit man ako’y

Nasasaktan man din

 

nagseselos ako kahit hindi aminin

Parang bibigay ang puso’t damdamin

Tinitiis ko lahat ng sakit

Makasabay lang sa simoy ng hangin

 

Mahirap man isipin ako’y mag-isa

Hindi pa ala kung mamahalin pa

Ako’y sobrang sumusuko na

Sa pagmamahal pa ng iba

 

Mga nakaraan natin ay naalala

Wari’y ika’y parang kasama

Iniisip na huwag magwakas pa

Ngunit luha lang ang aking dala

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on October 29, 2008, in Friend, Inspirations, Love, Society, Student and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: