Magkano ka ngayon?

“Ang taong marunong mag-ipon ay ang taong marunong tumayo sa sariling paa.”

 

 

Magkano ka ngayon? A. Priceless; B. Million; o C. Libre?” “Sino ang mas mayaman, ang taong may 1, 000 pesos o ang may 1, 000, 000 pesos?

 

            Magkano ka ngayon? – Priceless ka mo? Hindi siguro. Million? Kay mahal naman. Eh libre? Mas lalong hindi! Kung ako ang tatanungin, letrang D ang sagot ko. NONE OF THE ABOVE! Hahahah! Ang ibig sabihin nang aking tanong ay kung magkano ngayon ang ipon mo. Got me?

 

            Sino ang masmayaman, ang taong may 1,000 pesos o ang may 1, 000, 000 pesos? – Let me guess, 1, 000, 000 ang sagot mo no? But, paano kung ang utang niya ay 4, 000, 000? (Musta naman ang wallet?). Samantalang ang taong may 1, 000 pesos ay wala at sa kanya pa nag may utang ang ibang tao. Ano say mo? Jackpot!

 

            Subukan ninyong itanong sa iba, kung magkano ang allowance nila kada araw, linggo, o di kaya kada buwan. At kung magkano ipon nila ngayon. Then, pag-aralan ninyo ang arithmetic (average) ng kanilang daily budget.

 

 “Lifestyle = Time + Money” – Conan Stevens

 

Malalaman mo kung ang taong tinanong mo ay may magandang status sa buhay dahil sa paraan ng kanilang pagtitipid. Hindi sa sobrang tipid na 75%:25% ang savings laban sa budget. Kundi sa 20%:80%. Alam ang dapat bilhin at kailangan sa mga hindi kailangan. Diyan pumapasok ang “Needs and Wants”.

 

Ang lifestyle ay ang paraan kung paano mo binubuhay ang iyong sarili independently sa paraan kung paano mo nagugustuhan ito at kung paano mo ito pinapatakbo.

 

Ang Time ay isang term na kung saan nasusukat ang pinagsamasamang minuto, sigundo at oras (shame on you, kung hanggang ngayon ay hindi mo alam). What is time if there is nothing to spend with? (My Claw! Nose bleed!)

 

Ang Pera ay isang bagay na ginagamit para makabili ng mga bagay sa mundo na iyong kailangan at kagustuhan. “Money makes the world go round” ika nga. Sa aspetong ito mo masusukat kung hanggang saan ang kakayahan ng isang tao.

 

Siguro naman ay alam niyo na ang pinagkaiba ng Needs sa Wants? Ang Needs ito yung mga bagay na hindi ka pwedeng mabuhay sa isang araw kung wala ito (pagkain, bahay, etc.), Ang Wants ay ang tinatawag nating luhol ng iyong isipan hindi mo kailangan pero kailangan ng satisfaction mo.

Para magkaroon ng stylish at matalinong magtipid,

1. Dapat alam mo ang needs at wants mo

2. Proper budget

3. Itabi mo na dapat ang perang dapat itabi para hindi ka ma-HESITATE itong gamitin.

4. Set goals para sa iyong savings.

5. Kung kailangan mong bilhin ang isang bagay, make sure it is affordable and has a high quality. Try comparing with other stores of the same product.

6. Try staying home, dahil pagnasa labas ka palagi ng bahay ninyo, you are tempted to use your pocket money.

7. Isaayon mo ang mga bagay na binibili mo ayon sa lifestyle na maayos sa iyo.

 

Remember, ang lifestyle natin ay nakikita kung paano natin ginagamit ang ating pera sa tamang oras at tamang okasyon.

 

“There is always a time for everything.”

 

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on October 12, 2008, in Inspirations, Money, Society, Student and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Isa sa mga narealize ko nang magtrabaho ay lahat ay binibilang na sa pera.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: