Ama at Ina

I.

Mahalin mo ang iyong ama at ina

Iyan ang unang utos na may pangako

Pahalagahan moang iyong ama at ina

Sapagkat sila ang unang nagmahal sa iyo

 

II.

Hindi man nila naibigay ang lahat sa iyo

Ngunit na ibigay naman nila ang tiwala

Tiwala na walang bagay sa mundo ang hihigit pa

Tiwala na maibibigay lamang ng pagmamahal

 

III.

Sa Iyong paglalakbay, marami kang makikilala

Mga tao na sa tingin mo ay magmamahal sa iyo ng tunay

Matutuhan mong lumayo sa pamilya dahil sa kanila

Ama at ina ang iyong lalapitan

 

IV.

Sa agos ng buhay, iyong matatamo

Mga taong malalapit sa iyo

Siya ang gusto mong makasama at makapiling

Ngunit ang huling desisyon, sa ating magulang

Hindi ko naman sinasabi na sila ay hadlang

Ngunit sila ang may alam ng iyong kinabukasan

 

V.

Magalit ka na, kung gusto mong magalit

Ngunit sa hinaharap sila ang iyong pasasalamatan

Ama at ina na iyong kasama

Biyaya ng Diyos na hindi mo makakalimutan

 

Mahalin mo ang iyong ama at ina

Iyan ang utos ng may pangako

 

About Rex Tan

Electronics and Communications Engineer

Posted on October 11, 2008, in Parent, Society and tagged . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: